"HINDI HADLANG ANG DISTANSYA PARA MAHALIN KITA"

3년 전

Para sa mga mayroong long distance relationship dyan, alay ko ang tulang ito para sa inyo. Sana magustuhan nyo ☺️

1a5779ca640fd4b6dcde410b103a205b--engagement-shoots-engagement-pictures.jpg
Pinagmulan


Mahal--
Kapit ka lang,
'Wag mo muna akong bibitawan.
'Di ko kayang mawala ka--
Mahal--
Kaya mo pa ba?
'Wag ka munang sumuko.
Alalahanin mo lahat ng ating mga pangako.
Please lang.
Ayokong marinig ang salitang--
"PAALAM"
Dahil umaasa na ako na balang araw--
Ikaw yung huling babae na aking mamahalin habang buhay--
Kumapit ka lang--
Kumapit ka lang sa 'king mga kamay.
Titiisin lahat ng sakit,
Mag hihintay kung kailan ka muling babalik--
Ako'y aasa--
Na muli kitang makakasama.
Kahit taon pa binilang--
Asahan mo--
Ang aking pagmamahal---
Ay hindi magbabago.
Ako pa rin ito---
Ang dati mong nakikala.
Magkabila man ang ating mundo--
Subalit--
'Di ito hadlang para sa pagmamahal ko sa 'yo.
Gusto kitang hawakan,
Gusto kita halikan,
Gusto kita ulit makasama--
Pero sa paanong paraan?
Parang puso ko'y mayroon pagkukulang--
Bawat--
Segundo,
Minuto,
Oras,
Araw,
At linggo kita iniisip--
Na sana tayo ay magkasama kahit lamang sa panaginip.
Tiyak--
Gugustuhin kong 'wag na lang magising--
Para sa 'king panaginip ako lang--
Ako lang ang iyong mamahalin.
Dahil sa totoo lang--
Hindi ako takot masaktan--
Takot lang ako--
dahil sa labis kong pagmamahal baka ako naman ang iwan.
Alalahanin niyo--
Minsan na akong na saktan--
Kaya yung sakit aking pinipigilan.
Dahil ayaw ko na ulit maranasan ang lahat ng sakit--
At balang araw ako'y maghihintay sa 'yong pagbabalik.
Saksi ang mga tala at ang buwan sa kalangitan.
Kung paano tuluyan mo akong iwan.
No'ng mga panahon 'yon--
Ang iyong pag alis ay--
Napakahirap tanggapin.
'Di ko alam kung ano aking gagawin.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan--
Na para bang nanandya na--
Kung ano ang aking nararamdaman--
Ay siya ring dilim sa kalangitan.
Mga panahon 'yon inisip ko--
Kung pw'ede lamang baguhin ang pag ikot ng mundo--
Kasalungat ng pag ikot nito--
Na baka kaya ko pang maibalik---
Maibalik ang nakaraan--
Maibalik ang kahapong nagdaan--
Maibalik ang tiwalang na sira.
Maibalik kung saan tayo mismo nag simula.
'Di pa ako handang mawala ka--
'Di pa ako handa--
'Di ko kayang humanap pa ng iba--
Dahil ikaw lang talaga ang nag iisa--
Sa akin ikaw lang talaga nagpapasaya---
Pero lahat ng masasayang pinagsamahan--
Na uuwi lamang sa malungkot na paalam.
Handa ako maging tanga--
Kaya ipipikit ko aking mga mata--
Bibilang ako hanggang sampu--
Baka sa aking pagbibilang ay bumalik kana.
Isa--
Dalawa--
Tatlo--
Apat--
Lima!
Iiwasan kong umiyak--
Iniiwasan ang pagbaba ng mga luha.
Anim--
Pito--
Walo--
Siyam--
Sampu--
Puso ko kailan man hindi na mabubuo.
Panghahawakan ko ang pangako mong--
"Ako'y iyong babalikan"
'Wag kang mag aalala--
'Dito lang ako at hindi maghahanap ng iba---
May tiwala naman tayo sa isa't-isa.
Na kahit minsan ako'y nahihirapan na--
Pinipilit ko na lang talaga maging masaya.
Aasa ako--
Hangga't ako'y humihinga pa--
Hangga't kaya ko pa--
Hangga't pinanghahawakan ko pa ang salitang--
"Mahal kita"
"Mahal kita"
"Mahal pa rin kita"
Ikukumpara kita sa araw--
At ako naman ang buwan--
Kahit 'di na tayo nagkikita--
Mayroon mga dahilan---
Mayroon tayo mga pinanghahawakan--
Ako magsisilbing liwanag sa gabi--
Ikaw magsisilbing liwanag sa umaga--
Na kahit tayo man pinaglayo--
Nandiyan ang mga salitang
"Kaya ko 'to at 'di susuko"
Mahalin mo lang ako--
Kagaya ng pagmamahal na naibibigay ko sa 'yo.
Hindi pa ito ang huli--
Dahil tayo ay magsisimulang bumuo ng panibagong kabanata--
Kung saan ikaw at ako ang bida ng sinimulan na 'ting istorya.
Kahit man tayo pinaglayo--
Pero kahit kailan--
'Di ako susuko.
Kahit sobrang layo pa ng ating distansiya--
Hindi ito hadlang para ipakita ko sa 'yo--
Kung gaano ka sa akin ka halaga.
Kung hanggang saan aking makakaya--
Ipaglaban ko lang ang ating pagmamahalan--
Kahit buhay ko pa maging kabayaran.
Basta ang importante--
Hindi kita iiwanan--
Kahit ako na lang ang masaktan.
Kakayanin ko--
Hangga't kaya pa ng puso ko--
Kakayanin ko--
Basta 'wag ka lang sumuko.


isinulat ni : @ruelx
10/ 11 / 2018


PicsArt_01-31-09.52.22.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending