Alam Kong Mali

3년 전

window-view-1081788_1280.jpg
Pixabay

Alam Kong Mali


Alam kong mali at hindi dapat
Na ibigin ang isang taong sinungaling at di tapat
Pero bugso ng damdamin ay hindi kayang pigilan
Lalo na kung isinisigaw nito ay iyong pangalan

Nakikita ko pa nga ang iyong maamong mukha
Sa bawat pagsara at pagbukas nitong aking mga mata
At ang iyong mabangong amoy ang nalalanghap sa aking silid
Na para bang andyan ka lang sa aking paligid

Minsan nga lang di maiwasang magmukmok
Lalo pa't sa mapait na katotohana'y minsan nang nasuntok
Kaya walang ibang magawa kundi ang umiyak na lang sa tabi
At mumunting hikbi na lang ang maririnig sa lalim ng gabi

Alam kong mali at hindi tama
Na patuloy na isipin ang nakaraan nating pagsasama
Na isipin ang mga panahong tayo'y maligaya
Mga panahong pintig ng ating puso ay sumasayaw sa saliw ng iisang musika

Ngunit hindi mo ako masisising mabuhay sa nakaraan
Kung ang dating dulot nito'y kaligayang walang hanggan
Kung sa mga panahong yun ang ating atensyon ay sa isat-isa lang nakalaan
At walang umeepal at nakikisawsaw sa ating pag-iibigan



Ang titulo ng tulang ito ay sadyang ewan lang talaga dahil mahina talaga ako sa paggawa ng tula lalo na pagdating sa titulo kaya pagpasensyahan niyo na 😂😅😅. Pinag-aaralan ko pa kung paano talaga gumawa ng tula gayunpaman maraming salamat sa pagbisita.



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png
To join and be part of the gratefulvibes family on discord, click here

jennybeans.gif
To join and be part of the Steemitserye Steemitdora Full Force on discord, click here



Maraming Salamat sa Pagbisita'!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

fantastic line

ika'y tunay na magaling... ipagpatuloy mo ang iyong kahusayan pamangkin...