BINABALIWALA

3개월 전

20201213_171805-01.jpeg

Pagod na pagod at hapung-hapo,
Di malaman kung saan patungo.
Pagbaybay ng isip ay gulong gulo,
May liwanag pa ba kaya sa aking mundo?

Sa patuloy na pagsusumamo,
Lalo ka namang lumalayo.
Kahit ano man ang gagawin ko,
Baliwala nalang ako sa’yo.

Oo, inaamin ko may mali at kasalanan ako,
Pero alam ko naman pareho lang tayo.
Dahil Makita lang ako,
Sukdulan na ang galit mo.

Mahal kita lagi kong sinasambit sayo,
Pero sagot mo “ayoko na at pagod na ako.”
Kahit anong gawin ko kulang lagi sayo,
Dahil dika na masaya sa piling ko.

Sa isang sulok nang ating kuarto,
Walang kasama dahil iniwan mo ako.
Mga matang mugto at naghihinagpis na puso,
Nagtatanong sa kawalan kong ano ba nagawa ko.

Kinalimutan na ang simumpaang pangako,
Saksi natin ang Diyos at mga Tao.
Pero bakit biglang nabura at naglaho,
Dahil ba may iba ng nangangako sayo?

Kahit ganun nadito ako,
Mahal kita kahit binabaliwala mo.


Maraming salamat, hanggang sa muli

My smartphonephotography collections.
Photos are mine and taken by me using my A10s
Taken at San Fernando City, La Union, Philippines

Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)

image.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT