Diary Game Season 3 | November 16, 2021| Ang Pagluluto Ko ng masustansyang Ulam

7개월 전

IMG20211115140937_00.jpg

Magandang gabi sa ating lahat mga kaibigan, kumusta na kayo? Sana ay nasa maayos na kalagayan palagi.

Ang ibabahagi ko sa inyo ay tungkol sa aking pagluluto ng gulay para sa aming pananghalian kanina. Mahilig kasi kaming kumain ng gulay at mula pa sa pagkabata ay mahilig na kaming kumain ng gulay. Ibabahagi ko rin kong ano ang mga hakbang sa pagluluto ko ng masustansya at masarap na pagkain.

IMG20211115125333_00.jpg

Ang pangalan ng gulay na ito ay kondol masarap itong lutuin lalo na kapag sabaw at hahaloan ng sardinas o anumang klaseng gulay gaya ng okra at iba pa.

Popular na itong uri ng gulay at gumagapang ito at namumunga ng marami. May mga maliit at malalaking bunga ang kondol depende sa lupa kong ito ba ay mataba o hindi.

IMG20211115125046_00.jpg

Una, binalatan ko ng mabuti ang kondol. Dahan-dahan lang itong balatan at alisin ang mga buto nito. Ang ganitong uri ng gulay ay nagtataglay ng maraming buto sa gitna nito kaya dapat alisin ito.

IMG20211115130023_00.jpg

Hiwain ito ng parihaba para maganda ang kinalabasan sa pagluluto nito. Mas mapadali din kasing maalis ang mga buto kapag parihaba ang pagkakahiwa.

IMG20211115131432_00.jpg

Sunod, maghiwa ng bawang at sibuyas. Ang bawang at sibuyas kasi ay nagbibigay ng bango sa mga nilulutong pagkain. Ito rin kasi ang pangunahing sangkap sa pagluluto ng ulam.

IMG20211115132926_00.jpg

Hiniwa ko ang okra na siyang isasahog ko sa kondol isa rin kasi itong paborito namin dito kaya dinamihan kong hiwain ang mga ito.

IMG20211115131544_00.jpg

Para mas masarap ang pagisa ay gumamit ako ng margarina at ito ang gamit kong panggisa sa bawang at sibuyas.

IMG20211115133330_00.jpg

Pinainit ko ang margarina sa kawali at pagkatapos iniligay ko ang bawang at sibuyas. Ginisa ko ito ng mabuti hanggang sa lumabas ang bango at kasunod kong inilagay ang kondol at okra. Tinakpan ko ito at naghintay ng ilang minuto hanggang sa kumukolo na ito, nilagyan ko ng asin at hinalo ng mabuti para maging balanse ang lasa nito.

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang lumambot na ang mga gulay at pwede nang ihain sa mesa.

Napakasimple lang kong lutuin pero nagtataglay ito ng bitamina at mineral na kailangan sa ating katawan.

Maraming salamat po sa pagbasa at magandang gabi sa inyong lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Matagal na akong hindi nakakatikim ng kondol. Paborito ko ring kainin ito. Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong masarap at masustansyang post dito sa @steemitphilippines. 😊

Hindi ko pa natry gulayin ang kondol.

·

Try mo po sarap po ito lalo na pag ginataan😊

May tanim kami nyan dito kusa lang tumobo, binigay ko lang sa kapitbahay ang bunga. Hmm ganyanin pala pag luto, sunof di ko na ipamigay.

·

Opo hehehe sarap po nito lalo na pag ginataan.😊

Sarap yan kondol pabusog at palaway

·

Opo sarap nga po nito☺️

Simpleng luto ngunit natural at masustansyang masustansya.

·

Maraming salamat po sa pag bisita sa aking post😊

·
·

Walang anuman.

·
·
·