Diary Game Season 3| November 3, 2021| Ang Aking Pagluluto

8개월 전

Magandang hapon sa ating lahat, kumusta na kayong lahat? Sana ay nasa maayos kayo kalagayan ngayon.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking pagluluto ng gulay kanina, ito kasi ang kadalasang inuulam namin dito sa aming lugar.

IMG20211103111139_00.jpg

Ito ang gulay na niluluto ko kanina, napakasarap at napakasustansya ito. Para mananatiling malakas at malulusog and pangangatawan ay minabuti kong magluto ng sari-saring gulay gaya ng ube, maluggay, okra at iba pa.

IMG20211103100142_00.jpg

IMG20211103100256_00.jpg
Una, namitas ako ng mga maliliit na ube na kong tawagin namin dito ay pulot. Ito ang itinanim at ipinalalaki dahil ang mga bungang ito ay lumalaki pa ito ng masyado.

IMG20211103100909_00.jpg
Pagkatapos kong mamitas ay iniisa-isa kong binalatan ang mga maliliit na ube at hiniwa ng katamtamang liit.

IMG20211103102912_00.jpg

IMG20211103102924_00.jpg

IMG_20211103_103435.jpg
Iniisa-isa ko ring kinuha ang iba pang sangkap gaya ng malunggay, kamatis, okra at ube. Sakto naman at may natirang karne kaya isinali ko itong niluto.

IMG20211103104736_00.jpg
Nagpapakulo ako ng tubig at una kong iniligay ang hiniwang karne at hinintay kong lumambot ang karne. Sunod kong inihalo ay ang ube, malunggay, okra at hiniwang kamatis. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa maluto na lahat ng mga gulay.

Nang maluto na ito ay dinagdagan ko ng kunting asin para mas malasa at malinamnam. Ang mga gulay ay nakapagbibigay ng sustansya sa ating katawan lalo na ang malunggay.

Swerte ako dahil may gulayan kami dito ay hindi na kaming mahihirapan na pumunta sa palengke at tipid sa gastos at nakakasiguro talaga na presko ang gulay na kinakain.

Maraming salamat sa pagbasa sa aking nakasarap at masustansyang post dito sa @steemitphilippines, Magandang hapon sa ating lahat.

SteemitPhilippines

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Ang sarap naman ng ulam niyo po. Gulay at mainit na sabaw lalo na sa pagtag-ulan, nakuu, ang sarap!

Salamat sa pagbahagi ng araw niyo po.

Masusustnsya nga ang niluto mo @aehryanglee, salamat sa pagbahagi ng iyong simple pero masarap na recipé.

·

Walang anuman.

Hang yummy naman nyan lalo Ube fave ko yan.

·

Ako rin po ate. Salamat sa pagbisita sa aking post dito sa steemit.

Gusto ko yan masustansya. Nasa paligid lang Ang rekados.

·

Salamat po sa pag bisita sa aking post😊

Greetings to you @aeryanglee,
I am inviting you to join and commit to #club5050 program, also dont forget to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to this link.

https://steemit.com/hive-169461/@juichi/club5050-latest-update-and-new-guidelines-on-how-to-have-a-curators-support

·

Thank you very much

Kalami ani!

·

Yes po. Salamat sa pagbisita ate.