Diary Game Season 3|October 26,2021|Ang Aking Ginagawa kanina

8개월 전

Magandang gabi sa ating lahat, lalo na sa kapwa ko mga myembro dito sa @steemitphilippines. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at sitwasyon ngayon.

IMG20211026072842_00.jpg

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong gabi ay tungkol sa isang magandang paru-paru na bumisita sa aking Hardin dito sa amin at nakita ko siya kanina sa isang bato kanina at hindi makalioad dahil nabasa ang mga pakpak nito. Kaya kinuha ko ito at iniligay ko sa dahon. Ang kulay nito ay dilaw, itim at pula. Maganda ang kombinasyon ng kanilang kulay kaya napakaganda nitong tingnan.

Siya ay nakapatung sa isang bato at nakita ko habang ako ay tumitingin sa aking mga halaman. Kinaugalian ko na kasi na bumisita sa aking mga halaman tuwing umaga. Hindi ito makalipad dahil nabasa ang mga pakpak nito dahil sa ulan.

IMG20211026072239_00.jpg

Ito ay aking kinuha at tiningnan ko ng mabuti dahil sa nakakabighani ang kanyang ganda. Kaya nagpasya ako na kunan ng letrato dahil minsan lang kasi tayo makakuha ng perpektong letrato ng isang paru-paru.

Kinalaunan ay inilagay ko siya sa malaking dahon at hinayaan ko na siya doon. Masaya ako dahil may bumisita sa aking hardin na isang paru-paru, nakadaragdag kasi ito ng ganda sa lugar.

IMG20211022164641_00.jpg

Nais ko ring ibahagi sa inyo ang aking pamimili ng aking sariling gamit gaya ng kasuotan. Napag-isipan ko kasing pumunta sa palengke para mamili ng mga gamit. Kaya maaga akong pumunta dahil para makaiwas sa maraming tao. Swerte naman at pagdating ko doon ay medyo wala pang mga tao ang namimili.

Napapagud ako sa kakatingin ng mga kasoutan kung ito ba ay kasya sa akin pati na ang ganda at kalidad nito. Dito sa aming lugar, mahilig kasi kami sa mga ukay-ukay dahil mura lang ito kaya ito ang aming binibili. Nilalabhan din namin bago soutin para iwas sa mga dumi at mikrobyo na kumakapit dito.

IMG20211023165108_00.jpg

Ibabahagi ko rin sa inyo ang napakalaking halaman na ito sa harap ng aming bahay. Lagpas tao ang haba nito at napakalaki ng mga dahon. Karaniwang kinakain ang halamang ito ng mga taong nakatira sa bukid at ako mismo ay nakatikim na nito. Ang halamang ito ay maaaring ihalo sa mga karne o isda at karaniwang makikita ito sa kabundukan.

Maganda ang hugis ng kanyang mga dahon at malapad ang mga ito. Lumaki ito ng husto dahil sa maganda at matabang lupa na tinataniman niya.

IMG20211026105404_00.jpg
Kanina habang naglilibut ako sa aking halamanan ay nagulat ako nang nakita ko itong aking halaman na matagal kong hinintay kong kailan lalabas ang bulaklak niya. Pero nagulat ako kanina dahil sa wakas ay nakita ko na ang ganda ay porma ng kaniyang bulaklak.

Matagal kasing mamumulaklak ang halamang ito kaya labis akong naghihintay, kaya laking pasalamat ko kanina sa aking nakita, kinunan ko ng letrato.

Napakasaya ng aking ginagawa, nakapagbibigay ito ng magandang resulta gaya ng pagkawala ng stress at makapaglibang sa sarili.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa ating lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary post.

Inaanyayahan din kitang sumali sa @club5050, para sa ating kumonidad. 😊

Great Post Keep it up. if you haven't get the free steem prize, worth atlast $400 based on your steem profile reputation you should get it ASAP, Maybe few days left for their airdrop. sign in with your steem account to claim it here: Get Free STEEM NOW