Diary Game Season 3| Week 21| Ang Pagkuha Namin Ng Buko

8개월 전

Magandang gabi sa lahat, lalong-lalo na sa lahat ng mga membro dito sa @steemitphilippines. Isa sa mga masasayang araw ang makakabonding ang mga kapatid ko sa pamamagitan ng pagpunta namin sa bukid para kumuha ng mga buko.

IMG20211108073925_00.jpg

Napagdisisyunan namin na pumunta sa bukid kasama ang mga kapatid ko. Umaga pa lang ay naghanda na kaming pumunta para hindi kami maabotan ng init sa aming pagbyahe. Lulan kami ng motorsiklo kasama ang mga kapatid ko.

Pagdating namin sa lugar ay nasayahan ako sa aming nakita dahil bukod sa maganda ang lugar ay tahimik, presko at punong-puno ng mga prutas gaya ng mangga at buko.

IMG20211108080231_00.jpg

Hindi nagtagal ay nagsimula nang umakyat ang lalaki kong kapatid sa puno ng niyog at iniisa-isang inihulig ang mga buko. Kami naman sa baba ay abalang-abala sa pagkuha ng mga buko na napunta sa damuhan at inipon namin ito sa isang lugar.

Iniisa naming biniyak ang mga buko at isinilid namin sa sisidlan ang tubig nito. Gagawa kasi kami ng buko-salad kaya minabuti na pati tubig ay isisilid para sa paggawa ng buko-salad.

IMG20211108074002_00.jpg

Abalang-abala kami sa pagkuha ng mga laman ng buko gamit ang tinatawag na skrepper. Mas maganda kasi kapag ginagamitan nito para maganda ang output sa paggawa ng salad.

Katulong ang aking bunsong kapatid sa pagkuha ng laman ng buko para din mas maging mapadali ang aming trabaho at makauwi agad.

received_423073492830615.jpeg

Pag uwi ko sa bahay,ay agad kong hinugasan at nilinisan ang mga gamit para sa mga lalagyan ko ng buko,para handa na kapag kami ay kakain na para sa aming snack. Masaya kaming lahat at nag-kaisa at nag salo-salo ang boung pamilya.

Nilinis ko ang mga gamit namin sa bahay gaya ng mga gamit sa kusina at pagkatapos ay nilinis ko rin ang loob ng aming bahay.

Talagang abalang-abala kaming lahat noong araw na iyon. Isa rin kasi itong paraan para mapagaan ang mga gawain sa bahay sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Nais kong imbitahan sina ate @jewel89, ate @amayphin at ate @sarimanok para sa diary game dito sa @steemitphilippines.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Sana all daghan butong...Heheheh

·

Hehehe lage kuya nangayu ra ko sa akong lola😊

Ka yummy sa butong ng fresh kahit di na isalad, pati tubig kasarap.

·

Mao gyud ate. Salamat sa pagbisita sa akong post.

Hello @aehryanglee 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 21 ng Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Kalami sa butong. Makarelax ang tubig ana.

·

Panguntra sa init.

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link

Show your support by delegating your steempower to our community.

20211105_215049_0000.png

Delegate 50 SP | Delegate 100 SP | Delegate 150 SP | Delegate 200 SP | Delegate 250 SP | Delegate 300 SP | Delegate 350 SP | Delegate 400 SP | Delegate 500 SP | Delegate 750 SP | Delegate 1000 SP

·

Maraming salamat po

Tamang tama Ang buko. Sakto sa mainit na panahon.

·

Yes po. Salamat po sa pagbisita sa aking post. ☺️

Gusto ko yan buko. mahal dito sa Cebu City. 30 pesos each :D

·

Ang mahal pala dyan sa cebu ate?

Sobrang sarap nyan dahil fresh na fresh

·

Oo nga po ate☺️☺️