SteemitPhilippines||Contest of the Week|| Paggawa Ko Ng Christmas Tree

7개월 전

Magandang gabi sa ating lahat, at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines at @steemit. Nais kong ibahagi sa inyo ang ginagawa ko noong unang araw.

Isa rin ito sa pagsali ko sa patimpalak dito sa ating kumonidad dahil nakakasiguro ako na pwede ito sa patimpalak na sasalihan ko.

received_326088238965928.jpeg

Kinaugalian na nating mga kristyano at sa lahat ng mga naniniwala sa pasko ang pagdiwang ng kapaskohan. Magsasabit ng mga parol at iba pang palamuti sa bahay na nababagay sa pasko. Ito ang ginawa ko, dahil papalapit na ang kapaskohan ay naisipan kong maglagay ng palamuti gaya ng Christmas tree sa loob ng bahay.

Dahil wala kaming pine tree o yung plastic na Christmas tree ay naisipan kong gumawa na ang gamit ay ang sanga ng tongao. Ang Tongao ay isang kahoy kong saan binabalatan at ibinibilad ito saka gawing palamuti sa bahay. Maganda itong paglagyan ng mga Christmas light, foils, maliliit na Christmas balls at santa Claus.

received_1111188269620203.jpeg

Medyo may kahirapan sa paglalagay ng balls kasi ang nakuha kong sanga ay hindi nababay sa Christmas balls na binili ko, napuputol ang mga sanga kapag sinasabitan ng mga ito. Kaya, sinikipan ko nalang na mailagay o maisabit ito sa Christmas tree at gumawa talaga ako ng paraan.

Sayang naman at hindi ito mailagay, kasunod kong iniligay ang Christmas lights para mas lalo pang gaganda dahil sa kumukuti-kutitap at makukulay na mga ilaw na nagmuka sa Christmas lights. Panghuli ay ang maliliit na santa Claus at foils para mas maging presentable.

received_430501745122464.jpeg

Gumagamit kami ng Christmas lights pero hindi namin ito pinaabotan hanggang umaga. Pinapatay namin ito kapag kami ay matutulog na para makaiwas sa disgrasya gaya ng pagkasunog. Tuwing pasko ay kinaugalian ko nang maglagay ng palamuti sa bahay, at ramdam ko na talaga ang pasko habang nagdedekorasyon ako sa loob.

Kahit iba na talaga kumopara sa nagdaang mga pasko ay napapanatili pa rin namin ang kahalagahan ng pasko sa ating Buhay.

Nais kong imbitahan sina ate @olivia08, ate @jurich60 at ate @amayphin para sa contest na ito.

Maraming salamat sa pagbasa.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Galing naiss ko Chritmas tree

·

Salamat po 😊

Kahit simple pero maganda ang pagkakagawa.

Maraming salamat sa pagsali sa ating contest dito sa @steemit Philippines.. 😊

·

Maraming salamat po 😊

·
·

Walang anuman.. enjoy posting dito sa @steemitphilippines. 😊😊

Gawain ko din yan nuon. Naghahanap ako ng kahoy sa bukid na hugis pang Christmas tree. Di ko lang alam name ng kahoy na yon. Tapos pinapatuyo, at lagyan ng palamutin at lights. Good job making your Christmas tree.

·

Salamat po ate..

d ko familiar sa "tongao", pero feel ko same ra ni sa "sijapo" ..yan ang tawag namin sa Bohol..gawain ko rin yan noong elementary days ko.... nice😊

·

Siguro ate. 😊 Salamat sa pagbisita sa aking post.

Nice one, nindot siya...

·

Salamat kuya.

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.6
2. Creativity.9.8
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.6
Total Rating9.68

Thank you for your entry, Merry Christmas!

·

Salamat po sir.

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link

Show your support by delegating your steempower to our community.

20211105_215049_0000.png

Delegate 50 SP | Delegate 100 SP | Delegate 150 SP | Delegate 200 SP | Delegate 250 SP | Delegate 300 SP | Delegate 350 SP | Delegate 400 SP | Delegate 500 SP | Delegate 750 SP | Delegate 1000 SP

·

Thank you very much ☺️☺️

Nice one inday! Ganyan din Kami nuon, Yong Sanga ng langka ginagawa naming Christmas tree Kasi nakaangat na sila pataas. Sa Marawi, meron naman kaming pine tree savliob Ng Colony Kaya yon ang pinuputol namin o Kaya Yong cypress. Iba ang feeling Ng sariling gawa mo.

·

Tama ka po ate. Maraming salamat sa pagbisita sa aking post.

Merry Christmas po sa iyo!

·

Merry Christmas din sayo ate. ☺️

·

Merry Christmas din po😊 god bless

Maganda, Simple at Praktikal. Ganyan din kami nuong mga bata pa kami. Ang gamit namit walis tingting. Binalutan ng white crepe paper, at inadornohan ng mga sari saring sizes ng Christmas balls at may Star sa pinakaitaas(nilagyan ng stick para nakatayo at di mahuhulig ang star sa pinakagitnang ibabaw. Masaya magpalamuti at unique ang pagkakagawa.

·

Wow. Salamat sa pagbahagi ng wonderful memories mo ate..

Bitaw no? rather than mo gasto ta for Christmas tree in ani nalang..😀

·

Mao gyud sir. ☺️