Diary Game Season 3 / Week #20: October 13, 2021| Ng Ako'y Nagpunta sa Lirang-Lirang Beach

3개월 전

Magandang hapon po sa lahat. Kumusta po ang panahon ngayon diyan sa inyong lugar? Dito sa amin hindi naman umuulan, hindi rin masyadong mainit, sakto lang. Okay na din ito kahit papano, dahil ang ibang parti ngayon ng Pilipinas ay nakakaranas ng masamang panahon dahil sa bagyong Maring. Kaya kung sino man po dito ang napabilang sa lugar na may bagyo ay mag iingat po kayong lahat. Magdasal po sa ating maykapal palagi at siguradong hindi niya tayo bibiguin.

Oh siya tama na iyan at samahan niyo ako ngayon sa aking pagbabalik tanaw ng ako'y maglakbay sa isa sa dinarayong beach resort dito sa aming lugar. Ito ay ang "Lirang-Lirang Beach Resort"na matatagpuan sa Bayan ng Capoocan dito sa probinsiya ng Leyte.

IMG_20200229_163337.jpg

Sadyang nakakamangha ang maykapal sa paglikha ng ganito kagandang tanawin. Ito ang una kong punta sa nasabing lugar at marahil huli na din dahil sa pandemyang ating kinakaharap ngayon. Kasama ko sa mga oras na ito ay ang aking nobyo at ang katrabaho ko pati ang asawa nito. Biglaang lakad lamang ito, dahil nga diba sa kasabihan ng mga millenials "pag pinagplanohan laging drawing" na ang ibig sabihin hindi natutuloy, pero pag biglaan na usapan ayon tuloy na tuloy.

IMG_20200229_163117.jpg

Dahil sa duty kami ng mga araw na iyon at 1pm ng hapon ang labas namin mga alas 2 na ng hapon kami nagpunta dun. Ang travel time namin papunta dun ay halos 30-45 minutes then. Medyo malayo layo din kasi sa amin. Pero okay lang dahil ng kami ay makarating sa nasabing lugar ay talagang mapapa wow ka. Kaya ang pagod sa biyahe ay biglang nawala.

IMG_20200229_160638.jpg

At ang sunod naming ginawa ay nilibot muna namin ang resort, may cottage sa bandang itaas at dito makikita mo ang gandang taglay ng karagatan. Kaya naman hindi ako nag pahuli na mag pakuha ng solong litrato. At syempre kami din boyfie hindi pwedeng walang remembrance. Napakasaya namin nun. Kahit na konting oras lamang ay nag enjoy kami.

Iyan lamang po mga kaibigan. Hindi ko pa po masasabi kung kelan po ulit ang susunod naming biglaang lakad. Siguro matatagalan pa dahil sa pandemyang ito. Ingat po tayong lahat mga kaibigan. God bless you po always. At bago ko po tuluyang tapusin ang article kong ito inaanyayahan ko po sila @jearo101, @leehon at @shikika na muling sumali sa #DiaryGameSeason na ito dito sa @steemitphilippines.

truly yours,

@flordecar26

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Hello po, nakalimotan mo pong ma set sa 20% benefactor ang ating community account. Please follow the rules, hanggang sa susunod na lang uli... Salamat

·

ay sorry po.okay next time nalang po ulit.

Namiss ko rin ang magpunta sa dagat at lumanghap ng sariwang hangin.

·

pasyal-pasyal din kayo kahit da daan lang. kelangan din kasi natin maka langhap ng sariwang hangin