The Diary Game Season 3 (12-02-2021) | Pag Evangelism namin ng Dalawa sa aming Kabataan sa Church at ang aming Pagbisita sa Kabukiran - sa Red Mountain

2개월 전

Isang Mapayapa at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Natapos na nga natin ang buong buwan ng Nobyembre at salamat sa Dios sa mga magagandang karanasan na ating napagdaanan at isa na namang bagong buwan ang ating susuongin, ang buwan ng Desyembre at sa tulong ng Dios ay makakaya natin itong lahat. Para sa araw na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang Evangelism at pagbisita namin ng dalawa sa kabataan namin sa bundok, doon sa tinatawag na Red Mountain.

image.png

Sa araw nga na ito ay napag usapan na namin ng mga kasamahan naming mga kabataan na magkakaroon kami ng Evangelism o pagbahagi namin nga mga salita ng Dios sa mga tao, sa mga bahay-bahay na aming mapupuntahan. Mga nasa oras na 10:00 ng umaga ang aming napagusapan at nakarating nga kami sa aming Church ng mga nasa oras na 10:
na ng umaga, dalawa pa lang kami noon kaya naghintay na lang muna kami na meron darating pa na mga kabataan. Pagsapit ng mga nasa oras na 10:50 ay meron nang nadagdag na isa pero malapin na rinng magtanghali kaya napagdesisyonan na lang namin na pagkatapos ng pananghalian na lang kami mag Evangelism.

image.png

Pagdating ng tanghalian ay kumain na rin kami agad-agad upang makapaghanda na din kami pagkatapos naming makakain. Dahil nga sa medyo maaga pa kung lalakad na kami agad-agad, pinag-usapan nalang namin na pagdating ng mga nasa oras na 1:30 ng hapon na lang kami magsisimula upang makapag pahinga nalang din kami pagkatapos naming maka kain.

Pagdating nga ng mga 1:30 ay magsisimula na kami sa aming mission sa araw na ito at sinimulan na nga naming puntahan ang mga bahay-bahay na aming makikita. Salamat nga sa Dios dahil sa wakas ay meron ding mga bahay ang tumanggap sa amin at nakinig ng mabuti sa mga salita ng Dios. Nakakatuwa lang kasi meron kaming napuntahang bahay na ang mga nandoon ay mga tao na medyo naka-inom at inamin naman nila ito at humingi ng pasensya dahil nga sa naka-inom sila, pero wala naman yon sa amin, kahit na naka-inom sila ay okay lang. Nagpatuloy nga kami sa aming pagbahagi nga mga salita ng Dios at pagdating nga ng mga nasa oras na 3:00 ng hapon ay nagpahinga na din kami. Nagpapasalamat kami sa Dios, kahit na tatlo lang kami ay naging matagumpay naman ang lahat dahil nakinig silang lahat sa amin.

image.png





image.png

Dahil nga napagod kaming tatlo sa pagbahagi namin ng mga salita ng Dios at sakto din tatlo lang kami para kasya sa aking motor, sinabihan ko sila na pupunta na lang kami doon sa bundok na merong tourist spot na tinatawag na Red Mountain at pagkatapos ko itong masabi sa kanila ay tuwang tuwa talaga ang dalawang bata dahil sa tingin nga namin ay sila nalang dalawa ang hindi pa naka bisita doon, sa lahat nga mga kasamahan naming mga kabataan.

Mga higit sa 30 minuto nga ang aming pagbyahe doon at nagpapasalamat lang din kami sa Dios dahil walang ulan, kasi kapag merong ulan ay talagang pahirapan ang pagpunta doon, nakarating naman kami doon ng mga nasa oras na 3:50 na ng hapon at kitang kita nga na tuwang tuwa ang dawala sa pagkadating din namin doon. Kaya hindi na namin pinalampas ang panahon kasi baka bigla na lang umulan, kaya agad-agad din kaming kumuha ng mga larawan sa mga attractions nila lalong lalo na ang mga kabukiran na nakapalibot doon na talaga namang napaka ganda, meron din mga bahay nga mga elves na para bang nasa mga movies natin makikita at marami pang iba't ibang attractions.

Napakaganda din ng lugar dahil ang lamig ng panahon, nakakatanggal ng aming pagod talaga. Natapos din namin ang lilibot sa lugar ng mga higit sa 30 minuto lamang dahil balak na din naming bumalik agad dahil medyo makulimlim ang panahon pero bago kami umalis nga ay nag snack muna kami para na rin pasasalamat sa dalawa dahil sa pagsama at pagtulong sa akin sa pagbahagi ng mga salita ng Dios.

Mga nasa oras na 4:30 ay umuwi na din kami agad-agad at naging mas mabilis na din ang aming pagbyahe dahil pababa na ang daan, naka uwi na din kami salamat sa Dios ng ligtas ng mga 4:50 ng hapon at salamat sa Dios dahil kahit na makulimlim ang panahon ay hindi naman siya umulan.

Hanggang dito lang po ako mga ka-Steemit Philippines at maraming salamat sa pagbisita at pagbabasa sa aking post at sana ay nasiyahan din kaya.




Bago ako magtapus ay akin munang ibahagi sa inyong lahat ang aking #Club5050 Eligibelity Status:

image.png
Steemit Club Tag Eligibility


Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat sa lahat nang Steemit Team para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Para sa Diyos tlaga ang lahat na papuri! Keep up the good work

·

Amen ate..

Kanindof diha ya.

d ko ma pul-an sa ka nice sa place, grabe ka peaceful...

·

Dili jud ate..nice jud kaayo..

Ka nice sa place...

·