Diary Game Season 3| November 16, 2021| Module at Gawaing-Bahay

7개월 전

Magandang hapon sa lahat, lalo na sa mga myembro dito sa @steemitphilippines. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa aking ginawa kaninang umaga at sa tanghali. Kahit nakakapagod ay ramdam ko rin ang kasiyahan dahil nakatulong ako sa aking magulang lalo na sa gawaing-bahay.

IMG20211111065120.jpg

Bumangon ako ng maaga upang magsaing, at habang nagsasaing ako ay gumawa naman ako ng homework sa mga modules ko. Layunin kong taposin ito ng maaga upang wala nang problema at pwede nang maglaro. Mas maganda kasi kapag maagang matapos ang mga modules para handa sa darating na araw ng pagpasa.

Habang nagsasagot ako sa mga modules ko, ay naisipan kong magtimpla ng kape panlaban sa malamig na umaga. Ito kasi ang nararanasan kapag papalapit na ang pasko. Hindi maitago na may mga tanong sa modules na mahihirap pero maswerte ako kasi nandyan si kuya @jb123 na handang tumulong sa akin gaya ng pagsagot sa mga mahirap na mga tanong.

IMG20211111070801.jpg

Pagkatapos ng aking module at pagsasaing ay nagwalis ako sa loob ng aming bahay para mapanatili ang kalinisan nito. Unang kong winalisan ang kusina, kasunod ang sala at panghuli ay ang balcony.
Nakita ko sa mukha nina mama at papa ang kasiyahan dahil ginagawa ko araw-araw ang aking obligasyon at kami rin namin ang nagtutulungan bilang isang pamilya. Minsan si kuya ang nagwawalis kapag may ibang pinagkaabalahan ako, ganito kasi sa amin kapag hindi magawa ng isa ang kanyang obligasyon dahil may kailangan pang dapat taposin ay ang iba ang magtatrabaho nito para matapos agad ang mga trabaho sa bahay.

IMG20211111070904.jpg

Pagkatapos kong walisin ang loob at labas ng aming bahay ay hinugasan ko ang mga pinggan. Sa lahat ng aking trabaho ay ito ang medyo mahirap kasi dapat malinis talaga ang mga plato. Walang maiwang bakas ng mga kanin o ulam pati na ang sabon na pipikit sa pinggan o baso. Kaya nilinis ko talaga mg maayos para hindi ako pagalitan ni mama. Ang unang itinuro ni mama sa akin sa paghuhugas ng mga pinagkainan ay dapat ang baso ay hinuhugasan sa kahulihan para hindi pipikit ang sabon dito.

Dapat maalis ang mga sebo o mantika na nakapikit sa pinggan at kapag hindi maalis agad ay gagamitan ng chlorine. Kapag maghuhugas na ng pinagkainan ay dapat ang baso ang unang huhugasan para maalis agad ang sabon, sunid ay ang mga pinggan, kutsara, tinidor at tupperware.

Mahirap pero masaya, dahil nakakatulong ako sa aking magulang at madaragdag ito sa aking kaalaman para sa aking kinabukasan.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang hapon sa ating lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Dapat talaga na gagawin mo ang mga obligasyon mo brother para hindi ka ulit pagalitan ni papa. 😂

·

Mao lagi ya.

Ka bait na bata, masunurin at masipag.

·

Salamat po Ma'am..

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

·

Thank you very much sir.