Diary Game Season 3| Week 21| Ang Cooking Lesson Ko At Ng Aking Ina

7개월 전

Magandang gabi sa lahat. Una lahat ay nais kong pasalamatan ang lahat ng sumusuporta sa aking post dito sa @steemitphilippines. Lubos na nakakatulong ito sa akin sa pagpapalabas ng aking talento at dagdag pa dito ang kakayahang gumawa ng magandang post dito sa steemit.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa cooking lesson ko at ng aking mama kagabi. Mahilig ako magluto ng ibat-ibang pagkain pero kagabi medyo hindi ko pa alam kong paano lutuin ang niluto ni mama, kaya habang nagluluto siya ay nasa tabi ako para tingnan ang mga hakbang kong paano lulutuin.

IMG20211109172441.jpg

Ang niluto kasi ni mama ay sitaw na may kasamang hipon na hinuhuli namin sa ilog. Dahil kakatapos lang pagbaha kaya maraming hipon o ulang kon tawagin naming mga bisaya dito.

IMG20211109165920.jpg
Masaya ako dahil nakahuli uli kami ng malalaking hipon mula sa ilog, naglalarawan ito na ang masagana at puno ng mga mapagkukunan ng makakain ang aming ilog at sinahog namin ito sa sitaw na binili ni mama.

IMG20211109171235.jpg

Ang unang itinuro ni mama sa akin ay ang paghiwa ng ng mga sangkap gaya ng sibuyas at bawang. Babalatan daw at hihiwain ng parihaba o sa maliliit na piraso para madaling maluto.

IMG20211109171308.jpg

Sunod, igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika at hihintayin ito hanggang sa lumabas na ang bango nito.

IMG20211109171439.jpg

Sunod ilagay ang mga hipon at lagyan ng tuyo. Hahaluin ng mabuti upang maging balanse ang lasa at hintaying pumula ito.

IMG20211109171454.jpg

Para maluto lahat ng hipon, haluin ito ng mabuti, mas mabuti kapag niluto ito mg matagal para pwedeng kainin ang shell ng hipon.

IMG20211109173457.jpg

Sunod ilagay ang sitaw, pagkatapos ay kaunting tubig. Isunod ang asin ang haluin ito ng mabuti, takpan hanggang sa maluto na lahat.

Napakasaya ko dahil sa may bagong natutunan na naman ako sa pagluluto sa tulong ng aking mabait na mama.

Nais kong imbitahan sina Ma'am @olivia08, Ma'am @jurich60 at ate @aehryanglee para sa diary dito.

Maraming salamat po sa pagbasa at magandang gabi sa ating lahat.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Kamo nag kuha ana?

·

Si papa sir.

Hello brother 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 21 ng Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Hindi mo ako tinirhan brother. 😂

·

Wala man gud ka diri gabii ya. 😂

·
·

Asa man diay namalaye

·
·
·

Didto ko natulog sa ako lola nanay.. 😁😁

·
·
·

Didto man siya gakatulgan ila lola Ma'am. 😂

Salamat sa pagmention jay.

·

Youre welcome te.

Hala kalami ba ana oi. Sarap naman tumira dyan sainyu, ang lalaki ng hipon! Malinamnam yan for sure pag may hipon, yummeh!!! Hnd mo dw tinirhan si kuya @jb123 😁

·

Hanggang sana oll nalang ako nito ate. 😂

·

😁😁 wala kasi siya dito sa amin.

wow! pwede ka ng chef pala @manticao galing netong dish mo tapos all fresh pa ang sahug galing pa sa ilog ninyo. Hindi pa ako nakatry na maglagay ng bell peppers sa sitaw mukhang masarap sya pampadagdag lasa ano kesa sa the usual na onions and garlic lang.
Ang galing galing! parehas kayo ni kuya mo mahilig magluto. Pwede na kayong magtayo ng canteen nyan.

·

Hehehe gusto ko talagang magluto ng kahit ano Ma'am kaya nagpapaturo ako sa aking mama. 😊