Tula #1: Minahal kita, Paalam

4년 전


pixabay
Hindi ko na mabilang kung ilang rosas na ang naibigay sayo
Kung magkano ang tinipid sa baon ko mabili lang ang mga bagay na nais mo
Ang lagi mong bukang bibig, "Tayo naman di ba?"
Ngayon ko lamang napagtanto,
Kung naging tayo nga ba talaga

Ang mga hilig mo ay pinilit ko ring kahiligan
Mga kasiyahang nung nakilala ka lang naranasan
Salamat sayo marami akong natutunan
Na hindi lahat ng makulay ay may dulot na kaligayahan

Marami akong napansin pero hindi kita tinanong
Kahit binabagyo ang isip ko dahil sa mga bulong
Sinabi ko sa sarili ko na mahal kita,
Habang pinapahid ang luhang nanggigilid sa aking mga mata

Nagbakasyon ka at umuwi nang
may sakit
Lumiban ako sa pagsusulit makita ka lang saglit
Bumili ako ng kahel at mansanas na iyong paborito
Papunta sayo'y nagdadasal, para sa pagbuti ng kalagayan mo

Mga labi'y nadikit at katawa'y nagyapos
Sa pagbukas ng pinto ang pagibig ko'y natapos
Isang making pagkakamali ang pagkabulag ko sa katotohan.
Minahal kita, Paalam...

-Original na katha-

Nagustuhan mo ba kabayan?

I-upvote, i-resteem at sundan ang hari ng mga patatas sa @lordkingpotato

Maraming Salamat

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT
Sort Order:  trending

Kereeeennnn
image

Sige balik ko nalang sayo mga rosas. Ilan na ba lahat un? Pwede hulogan?

·

Pwede bang ikaw nlang ang bumalik? :)
Maraming Salamat sa Pagcomment. :)

·
·

Hahahaha ayan tayo eh! Sige kaylan schedule ko. Haha