Orihinal na Tula : " SELOS "

3년 전

Isang salita na may limang letra,
Isang salita na aking palaging nadarama,
Isang pakiramdam na ayaw ko nang maramdaman pa,
Lalo na kapag nakikita kitang may kasamang iba,
Oo, nagseselos ako,
Nagseselos ako kapag hindi ako ang kasama mo,
Nagseselos ako kapag may kasama kang iba,
Nagseselos ako kapag sumasaya at tumatawa ka,
Nagseselos ako dahil hindi ako ang dahilan kung bakit ka masaya,
Nagseselos ako dahil hindi ako ang dahilan ng iyong pagtawa,
Parang mas masaya ka pa kapag sila ang iyong kasama,
Hindi mo man lang naisip ang aking nadarama,
Araw araw iniisip kita,
Araw araw akong nagpapakatanga,
Araw araw pa din akong umaasa,
Umaasa ako na babalik ang dating saya,
Saya na unti unting nawawala na,
Pero teka, teka lang,
Sino nga ba ako para magselos sayo,
Wala ka nga palang pakialam sa nararamdaman ko,
Ako na walang ginawa kundi mahalin ka,
At ikaw na walang ginawa kundi mahalin siya,
Pero ang lubusan kong pinagtataka,
Ako ang lagi mong kasama,
Ako ang kasama mo sa mga problema,
Ako ang pinagkatiwalaan mo ng sobra,
Ako ang dahilan upang suwayin mo sila,
Ako na walang ginawa kundi intindihin ka,
Ako na walang ginawa kundi ang mahalin ka,
Minahal kita ng sobra sobra,
Alam kong alam mo kung gaano ka sa akin kahalaga,
Habang tumatagal mas minamahal kita,
Mahal kita, mahal na mahal kita,
Pero bakit? Bakit? Bakit?
Bakit mas pinili mo siya,
Sa sandaling panahon na kayo ay nagkakilala,
Nahulog na agad ang loob mo sa kanya?
Ganun ka ba talaga katanga?
Para mahalin ang taong hindi mo lubusang kakilala?
Hindi mo napapansin na minamahal kita ng sobra!
Kaya ngayon nagseselos ako sa inyong dalawa,
Dahil ako dapat ang kasama mo at hindi siya,
Pero ngayon mahal,
Hayaan mo akong makaramdam ng selos mula sa inyo,
Huwag mo nang pansinin ang nararamdaman ko,
Ituon mo na lang atensiyon mo sa bagong kinakasama mo,
Dahil simula bukas, kamakalawa,
Sa isang buwan at kahit sa isang taon pa,
Hindi na kita gagambalain pa,
Hahayaan na kita kung saan ka mas masaya,
Wala naman akong karapatan para diktahan ka,
Dahil hindi ka na makikinig pa!
Sa madaling salita pinapalaya na kita,
Pero huwag sanang dumating sa punto na kinatatakutan ko,
Na balang araw maghihiwalay kayo,
At babalikan mo ako,
Dahil sa oras na tatalikuran kita,
Kasabay nito ang pagkabura mo sa aking mga ala-ala,
At kailanman ay hindi na maibabalik pa,
At sa huling sandali hayaan mo akong sambitin ang mga salita,
Mga salita na noon ko pa gustong sabitim,
Gusto kong sambitin sa yong harapan,
Mahal kita,
Mahal na mahal kita ng sobra,
Malaya ka na!
Mag-ingat ka sana!😭😭

couple jealousy-min.jpg
Pinagmulan


isinulat ni : @ruelx
06 / 13 / 2018


PicsArt_01-31-09.52.22.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT