Little Mistake done by Chelysheva Family Almost Kills All of them

2개월 전

Unstitled.jpg

Introduction


Welcome back here on our steemit page account. Let me tell you a true story about a family that almost disappear with just a little mistake. They are from the country of Russia.

Why did this happen and what mistakes they have done? We will answer all of this in our topic today.

But before that, Please follow us on steemit and dont forget to hit the upvote to recieve our latest topics here on our steemit account.

This is a filipino language but you can translate it in google translate.

The Story


Masayang namumuhay ang pamilya chelysheva sa nayon ng laishevo sa republika ng tatarsan sa bansang russia.

Ang kanilang pamiya ay binubuo ng limang miyembro. At sila ay sina mikail, ang ama ng sambahayan, si anastasia na asawa mikail, si george naman ang kanilang panganay na anak, ang batang si maria at ang kanyang lola na si iraida.

Nagsimula ang lahat mga kaibigan noong august 22, 2013 kung saan kompletong magkakasama sila sa kanilang bahay.

Nais ni mikail na magkaroon sana ng konting salo salo sa hapunan, kaya naman pumunta siya sa basement upang kumuha ng mga pagkain.

Doon sa basement mga kaibigan nakastock ang napakaraming pagkain na gagamitin nila sa nalalapit na panahon ng taglamig.

Nang makarating na si mikail sa pinto ng basement, agad niya itong binuksan at bumaba sa hagdanan. Medyo madilim ang basement kaya hindi naging maganda ang kaniyang pakiramdam.

At nang malapit na siyang makababa ay bigla na lang siyang natumba at nawalan ng malay.

Walang ka-alam alam ang kanyang asawang si anastasia kung nasaan at anu ang nangyari kay mikail.

Ilang minuto pa ay hindi na mapakali si anastasia kaya naman pinuntahan niya lahat ng kwarto sa bahay. Subalit hindi niya matagpuan si mikail.

Tanging ang basement na lamang ang hindi nya napupuntahan.

Kaya nagpasya itong pumunta ng basement upang hanapin si mikail.

Pagbaba nya ng hagdan papuntang basement ay tumambad sa kanya ang wala ng buhay na si mikail.

Dito mga kaibigan ay agad ding natumba at nawalan ng malay si anastasia.

Walang kamalay malay ang mga kasama nila sa bahay sa mga nangyayari. Lumipas pa ang ilang oras.

Nagtaka na si george kung bakit hindi pa rin lumalabas ang kanyang ama at ina sa basement. Nababalisa na ito at hindi mapakali.

Naghintay pa siya ng ilang minuto. Ngunit hindi pa din umaakyat ang kanyang mga magulang.

Kaya naman sumunod siya sa basement upang tignan ang kanyang mga magulang.

Binuksan niya ang pinto ng basement at napansin na napakatahimik nito. Dahan dahan siyang bumaba at nagulat sa kanyang nakita.

Nakahiga ang kanyang ama at ina sa sahig ng basement na animoy wala ng buhay. Biglang nakaramdam ng hindi maganda si george at tumumba na lamang sa sahig ng basement.

Mga kaibigan dito ay isa isa na silang binabawian ng buhay sa di malamang kadahilanan.

Nag aalala na din ang 63 years old na si iraida na nanay ni anastasia. Batid niyang may nangyayaring hindi maganda sa basement.

Inisip niya na away ng pamilya lang ang nangyayari kaya hindi niya ito mapuntahan.

Ngunit kumakabog kabog ang kanyang dibdib sa di malamang dahilan.

Hindi nakatiis si iraida, kaya naman humingi ito ng tulong sa kalapit bahay.

Agad din naman itong bumalik sa pag aalala sa apo na naiwan sa bahay.

Nakita niya si maria na abala sa paglalaro sa kanyang kwarto.

Sinigurado muna ni iraida na nasa kwarto ito at maayos ang kalagayan bago siya nagtungo sa basement.

Nakakaramdam ng matinding takot si iraida dahil hindi niya alam kung anu ang naghihintay na panganib sa kanya pagpunta niya ng basement.

Pagbukas ng pinto ay dahan dahan siyang bumaba. Sinigurado din niyang nakabukas ang pinto ng basement.

Dumating ang tulong mula sa kapitbahay subalit natagpuan na lang nila na pati si iraida ay wala ng buhay.

Ngunit sa kanilang apat ay si iraida lamang ang nag iwan ng pinto na nakabukas.
Napakamisteryoso ng kaganapang ito. Anu kaya ang dahilan kung bakit isa isa silang binawian ng buhay?

Mga kaibigan, gaya ng aking nabanggit, naiwan ni iraida na bukas ang pinto ng basement.

Kaya sumingaw ang nakakalasong kemikal na nagmumula sa isang nabubulok na bagay.

Anu kaya ang bagay na ito?

Ito ay ang nabubulok na patatas. Oo tama ang narinig nyo kaibigan. Isang nabubulok na patatas ang dahilan ng kanilang pagkasawi.

Paano ito nangyari?

Mga kaibigan ang mga bulok na patatas ay naglalabas ng nakakalasong kemikal na tinatawag na glycoalkaloids.

Ang glycoalkaloids ay isang nitrogen-containing compounds na kalimitang inilalabas ng mga cultivated at mga ornamental plants kapag ito ay nabulok.

Kasama sa mga ito ang patatas, kamatis, talong at paminta.

Ito ang dahilan kung bakit binawian ng buhay ang apat na miyembro ng pamilya chelysheva.

Tanging si maria lamang ang natira sa kanilang pamilya.

Mga kaibigan, ito ang pangyayari kung bakit halos maubos ang isang pamilya.

Ang akala nilang patatas na magsasalba sa kanilang gutom sa panahon ng taglamig ay siya palang tatapos sa kanilang buhay.

My Opinion and Final Message


Anu ang masasabi mo kaibigan?

Icomment mo na at kung may suggested topic ka ay pwede mo ring icomment sa baba ng video na ito.

Wag kalimutang magsubscribe at iclick ang notification bell ng sa ganun ay maging updated ka sa mga latest video na aming inilalabas every week.

At bago tayo matapos mga kaibigan ay narito ang ating comments of the week.

Salamat sa lahat ng nagcomments at nanood.

Ako si alfren ng alfren aiza tv.

Do not forget to Follow, Subscribe to our Social Media Platforms

107615501_196438058493968_5106049391001355523_o.jpgFacebook: facebook.com/alfrenaizatv
Youtube: youtube.com/c/alfrenaizatv
Twitter: twitter.com/alfrenaizatv
Steemit: steemit.com/@alfrenaizatv

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT