Tanging iniibig

3년 전

Ako ay nabulag sa aking nakikita
Naging bingi aking mga tenga
Di ko naisip na wala talagang tugma
Sa katulad kong sanay magisa

Walang sinuman ang makakaintidi
Sa damdamin kong magmahal ay matindi
Mali nga talaga pero nagbakasakali
Kaya eto ako ngayun iyak sa isang tabi

Di ordinaryo di rin ito bago
Tila umuulit lang bawat senaryo
Walang sinuman ang makakapagpabago
Walang tatagal sa ugali ko

Tanging himala lamang o isang siraulo
Tatanggap sa kalagayan ko
Pero di parin ako susuko
Alam kong may nakalaan sa buhay ko

Sa aking paglalakad ibayong kaalaman
Aking matututunan sa bawat madaanan
At sa makakasalamuha sana akoy tulungan
Na manumbalik aking nararamdaman

Ang magmahal sa kapwa tangi kong laan
Na kahit di sukliaan ito ay sapat lamang
Yakapin nawa ako ng kalikasan
Tanging iniibig ko hanggang kamatayan
-makatang singkit-IMG20180207231240.jpgreceived_10154901030120755.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
STEEMKR.COM IS SPONSORED BY
ADVERTISEMENT